MARAMI ANG TAO sa labas ng building. Halos nakaputing dress ang lahat ng babae. Ang mga lalaki naman ay nakaputing long sleeve polo. Hindi maiwasang kumunot ang nuo niya. Anong meron? Tumingin siya sa itaas ng building kung nasaan ang malaking screen doon. Nagulat siya nang makita ang picture nilang mag-anak. May picture na sila lang ni Russell, kasama niya ang mga bata sa parke, may picture kung saan-saan na kasama niya ang mga anak niya. Then may picture din noong binyag ng triplets. Ang pagperma niya sa marriage contract, alam niyang marriage contract 'yun dahil nandoon si Judge Orlando Asis. May picture din na magkakasama ang mga anak niyang kumakain ng cake. Pati ang picture ni Rheenabelle ay nandoon din. Picture nilang mag-anak na nagkukulitan. Tumingin siya sa mga taong nag-uumpuk

