NAKAHINGA NG MALUWANG si Yvette nang marinig mula kay Russell na wala na sa Pilipinas si Alice. Nasa United Kingdom na ito. Mapapanatag na ngayon ang loob niya na wala na ang babaeng lalandi sa asawa niya. Napailing siya nang maalala niya ang pagsabunot niya rito noong nakaraang buwan. She crossed her arms and looked at her husband and their kids swimming at the pool. "Mommy, join us." Sabi ni RV. "Come on, Sweetheart. Don't be KJ." Sabi ng asawa niya na pabiro niyang ikinairap sa hangin. Lumapit siya sa mga ito pero sinabuyan siya ng mga bata. Tumawa siya at umupo sa gilid ng pool. Lumapit naman sa kanya ang asawa at yumakap sa beywang niya. Pabiro niya itong tinulak. "Basa ka." Russell chuckled and looked at their kids. "Kids, basain niyo nga si Mommy." "Yes, Daddy." Sagot ng mga

