Chapter 38 3rd Person's POV Ginawang hide out nina Kiel ang kusina. Nagpapasalamat na lang si Summer dahil pinalakihan nila iyon at ginawang pader. "Caith, ako dapat gumagawa 'nan," ani ni Summer. Nakita niya na nagluluto si Caith. "Ayos lang miss Summer. Hindi ako sanay na walang ginagawa at isa pa marami kang ginawa sa labas. Nandito kami para tulungan ka," ani ni Caith. Tumawa si Sylvia at sinabing hayaan si Caith. Ganiyan si Caith kahit sa mansion. Gusto nito ang pagluluto at gawain sa kusina. "Tulungan na kita maglinis ng mga lamesa," ani ni Sylvia at tumayo. Sinabi nina Abel na tutulong sila ngunit sinabi ni Summer na sila na lang. "May mga succubus sa labas," sagot ni Summer. Napatigil sina Caith. Nailing na lang si Kiel na ngayon ay nakaupo lang at may hawak na phone. K