Chapter 39 3rd Person's POV Hinimas-himas ni Kian ang pisngi noong pagbalik nila sa mga kasamahan. Sinalubong ni Sylvia ang kaibigan. Ngumiti si Summer at sinabing umuwi na sila. "Ano nasapak ka na naman ni Summer?" tanong ni Kiel. Tumawa si Kian at sinabing ganoon daw magmahal si Summer. Sagad hanggang sa bungo niya ang sarap. May lumipad na sapatos sa mukha ni Kian. Pulang-pula ang mukha ni Summer at sinabing tigilan nito pang-aasar sa kaniya. Nasa ilalim ng labi ni Sylvia ang daliri habang nakatingin kay Summer then kay Kian. Namumula kasi si Summer at sigurado hindi iyon dahil sa galit. Natawa si Sylvia at sinabing bagay sila ni Kian. "Beshy!" Natawa si Sylvia at nag-sorry. Matapos asarin nina Sylvia ang dalawa ay bumalik na din sila sasakyan. Babalik sila sa bahay ni Summer