Chapter 40 3rd Person's POV "Summer! Sandali lang! Pauwi ka na ba?" tanong ni Kian. Nasa parking lot na si Kian at nakita niya si Summer palabas ng gate. "Look— kapag nakauwi na ako ite-text kita hindi mo kailangan araw-araw ipaalala," ani ni Summer. Umiwas ito ng tingin at nag-act na naiinis. "Hindi naman iyon sasabihin ko. Gusto ko lang sabihin na mag-iingat ka at itatanong kung pwede kita ihatid," ani ni Kian. Sinundan niya ang babae palabas ng gate. "No, huwag ka ng mag-abala. Malapit lang ang bahay ko dito," ani ni Summer. Anyway, nasa dating stage na sila. Gusto ni Summer si Kian ngunit nag-aalangan siya. Una dahil mayaman ito at pangalawa— tumingin si Summer kay Kian. Agad na ngumiti si Kian kay Summer. Napaiwas ng tingin si Summer kay Kian. Ngayon naiintindihan na niya