Chapter 41 3rd Person's POV Nanginginig ang katawan ni Kiel habang nasa loob ng morgue. Sa harap niya nakahiga ang malamig na katawan ng kakambal na puno ng bugbog at pasa ang katawan. May malaking hiwa din ito sa leeg at may saksak sa dibdib. "Tatanggapin ko ang kamatayan pinuno!" sigaw ni Elliot. Lumuhod si Elliot at doon nakita na lang niya ang sarili na nakahiga sa sahig. Namanhid ang katawan at ulo niya sa suntok ni Kiel. "Pinagkatiwala ko sa iyo ang kapatid ko Elliot! Anong ginawa mo! Mahirap ba iyong mission na bantayan mo si Kian!" sigaw ni Kiel at hinablot ang kwelyo ni Elliot. Pumikit si Elliot ng madiin matapos siya tutukan ng baril sa ulo ni Kiel. Galit na galit si Kiel— gusto niya pagbabarilin lahat ng nasa silid na iyon at isunod sa kakambal niya. "Kiel!" Napat