Chapter 48 3rd Person's POV "What! Buntis ka!" Nilakasan pa talaga ni Nica iyon. Napatakip ng bibig si Nica. Tinanong ni Nica kung sino ang lalaki na iyon. "Sylvia, kapag nalaman ito ni dad siguradong madi-dissapoint sila," ani ni Nica na puno ng pag-aaalala. Hindi na narinig ni Sylvia ang sinasabi ni Nica dahil agad ito na-distract sa mga pagkain. "Pwede kumain na muna tayo? Nagugutom na kasi ako," ani ni Sylvia. Napalitan ng awa ang expression ni Nica at sinabing kumain na ito. "O-order pa ako kung gusto mo pa. Kainin mo lang ang gusto mo ako na magbabayad," ani ni Nica. Nag-thank you si Sylvia at ngumiti. Hinila ng kaklase nito na nakaupo sa harapan ni Sylvia ang kamay ni Nica. "Ang bait mo Nica. Kung may ganiyan ako kapatid ikahihiya ko talaga," ani ng kaklase nito. Napal