Chapter 47 3rd Person's POV Duda sina Ward kung tatanggapin iyon ni GD. Nanatili itong independent dahil nga ayaw ng mga Mendez na masangkot sa kahit na anong gulo o magkaroon ng koneksyon sa iba pang pamilya na under ng sector. "Kung tatanggapin mo ang kasunduan. Proteksyon para sa pamilya mo ang pinaka-priority ng mga Villiegas," ani ni Kiel. Napatigil si GD at napaangat ng tingin. Kinuha ni GD ang papel. Na-shocked sina Ward dahil kinuha iyon ni GD at nagkainteres sa laman ng dokumento. Nahawakan iyon ni GD ng mahigpit. Kinagat ni GD ang hinlalaki niya. Dumugo iyon at diniin sa papel. Inangat ni GD ang paningin at sinabing tuparin ni Kiel lahat ng nasa kasunduan. "Bakit hindi?" tanong ni Kiel at kinagat din ang hinlalaki niya bago kinuha ang papel at diniit iyon sa papel.