Chapter 14 3rd Person's POV "Feeling ko talaga hindi nag-discuss at nagpa-quiz si sir dahil sa iyo," ani ni Summer. Breaktime na at nasa cafeteria sila. Lumingon si Sylvia na kasalukuyang ngumunguya at tinanong kung bakit. "Kasi akala niya may sakit ka. Ano ba kasi nangyari sa iyo kanina? Para kang wala sa sarili," tanong ni Summer. Napatigil si Sylvia at bahagyang umiwas ng tingin. Sinabi ni Sylvia na worried siya. Nagtaka si Summer at tinanong kung saan. Sinabi ni Sylvia iyong totoo at mga inisip niya matapos makita na nakatingin si Aubrey kay Kiel. Noong marinig iyon ni Summer biglang tumawa ang babae. As in tumawa ito at lahat ng tao sa cafeteria napatingin sa kanila dahil sa lakas ng tawa ni Summer. Gumusot ang mukha ni Sylvia at tinanong sa kaibigan kung anong nakakatawa.