Chapter 15 3rd Person's POV "Hindi ako naniniwala na may sakit si sir Kiel. Maaring maloko niyo si Sylvia pero hindi ako." Napatigil ang tatlo. Napakamot sa ulo si Ward. Hindi magawang magsalita ng tatlo dahil hindi nila alam kung anong sasabihin. Hindi nga din nila alam bakit iyon sinabi ng boss nila. "Consultation?" ulit ni Sylvia. May pagtatakha sa mukha si Sylvia dahil sinabi ni Summer na kakausapin niya sandali si Kiel. "Yes, malapit na ang exam. Mahirap ang subject ni sir Kiel. Need ko ng pointers," ami ni Summer at ngumuso. Tumango-tango si Sylvia at ngumiti ng malapad. "Okay! Pupunta muna ako sa cafeteria bibila ako ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom," paalam ni Sylvia. Nagpaalam din si Sylvia kay Kiel na tumingin lang sa babae. Noong nakalabas si Sylvia ng office at na