Chapter 16 3rd Person's POV Tawa ng tawa si Summer kasama ang mga barkada niya matapos itulak si Sylvia at matumba sa sahig. "Ay sorry— hindi kita nakita," ani ni Summer. Tinapak-tapakan ng mga kaibigan niya ang libro ni Sylvia. Hindi lumalaban si Sylvia either umiimik. Ganoon ang naging daily routine nila. Isa lang si Summer at ang mga kaibigan nito ang nambu-bully kay Sylvia sa public school na pinasukan nito. Hanggang sa isang araw may nasangkutan na gulo si Summer. Nabasag ng mga kaibigan niya ang sasakyan ng principal nila. Sumama si Summer ngunit hindi ito nagtangkang sirain ang sasakyan. Wala siyang pambayad kung sakali at baka makulong pa siya. Mga kaibigan niya iyon. Ngunit nagulat sila noong nagkahulihan. Natakot ang mga kaibigan ni Summer dahil nga may nakakita sa