Chapter 17 3rd Person's POV "Papansin talaga ang babaeng iyan," bulong ni Summer. Lahat ng tanong ni Kiel nasasagot ni Aubrey. Todo pa-cute pa sa sir nila partida may boyfriend ito. Hindi na lang pinapansin ni Sylvia si Aubrey at nanatiling nakatingin kay Kiel na nagdi-discuss. Habang nakatingin naman si Sylvia kay Kiel nakatingin naman si Luiz kay Sylvia na nakahalumbaba sa table at titig na titig kay Kiel. Napansin iyon ni Ward. Sumama ang timpla ng mukha ni Ward at binaba ang pinaiikot na ballpen. "Sir Kiel, excuse me," ani ni Ward. Napatigil si Kiel at bahagyang lumingon. "Mr. Sergio, wala sa mukha ni Ms. Cervantes ang dini-discuss ni sir Kiel," sita ni Ward. Napatigil si Luiz at napaayos ng upo. Siniko ni Summer si Sylvia na mukhang bumalik lahat ng senses at lumingon kay