C H A P T E R 29 Dahil sa puyat kahit katanghaliang tapat na ay nakahilata pa rin si Catharine at pati na pwet niya ay humihilik pa rin. Nangangaligkig siya sa sobrang lamig ng air con pero tamad siyang bumangon kaya bumaluktot siya hanggang sa maramdaman niya na may humalik sa pigi niya tapos ay hinila pababa ang nakalilis niya yatang damit. She smiled when a warm blanket was placed on top of her. Salamat nanay… Maya-maya pa ay nabulabog na ang masarap niyang tulog nang padabog na namang sumara ang pintuan. Agad siyang napaupo hawak ang dibdib at marahas na napakamot sa ulo sa sobrang pagkadismaya. Diyos ko. Naitirik ni Catharine ang mga mata. Sinumpong na naman ang bossing Light niya. Hindi pala nanay niya ang humalik at naglagay ng kumot sa kanya kung hindi ang lalaking lasenggo. P