C H A P T E R 30 Walang imik na pumasok si Drear sa loob ng bahay matapos na makabalik galing sa airport kaya lang ay parang nahipnotismo siya nang makita si Catharine na nakatalikod, suot ang isang puting bestida kung saan labas ang mga balikat ng dalaga at ang walang kasing puti at kinis na mga hita. The truth is, he never wanted to look at her whenever he gets mad and jealous. Naaawa siya sa mukha nitong ang bata-bata, pero anong gagawin niya? Literal na para siyang sinasapian ng demonyo kapag nagwawala ang inggit at selos niya. And she just never knew how much it had hurt him when she said that she’d soon leave his place because that Professor is waiting for her. Drear’s still battling with his pride. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganoon na parang trap na trap siya sa isang bab