C H A P T E R 31 Tahimik na nakahabol ng tingin si Catharine kay Drear nang bumaba ito sa kotse para pumasok sa palengke. Kagagaling lang nila sa OB-Gyne at natuwa siya sa response ni Drear sa mga personal na tanong. Lahat nito sinalo at walang pangingimi na idineklara na ito ang ama ng batang dinadala niya. And she felt happy for their baby. Drear may not be as good as what she thinks, but no wonder he’ll become a good father. Hindi siya nito iniwan sa loob ng clinic at nakatanga sa monitor ng sonogram machine at walang kakurap-kurap. Nakanganga sa duktor tungkol sa lahat ng mga sinasabi at nang lumabas siya pagkatapos na gumamit ng banyo ay nagbabasa na ito ng baby book at parang hangal na nakangiti. Marahan siyang bumaba at sumunod sa binata at gulat ito nang kalabitin niya. “I tol