Anastasia POV... Napamulat ako at nasa isang di pamilyar na lugar ako. At napatingin ako sa paligid at luma ang lahat ng gamit na aking nakita. "Mabuti gising ka na." Napatingin ako sa gilid. Isang batang babae at isang dalagang babae. "Hello po! Okey na po ba ang pakiramdam niyo?" Sabi nung dalaga. Tumango nalang ako nang biglang tumunog ang tyan ko. "Eh? Sorry." Sabi ko sabay kamot sa batok ko. "Hehehe gutom ka atah ate. Eto oh niluto yan ng mama namin sana magustuhan niyo." Sabi nito sabay bigay saakin. Bigla nalang nagtwinkle ang mga mata ko. "Salamat." Masayang sabi ko sabay subo agad ng pagkain. Gutom na gutom kaya ako. "Uhmm ate ako nga pala si Clarisa at ito ang kapatid ko na si Claire." Sabi ng dalagang babae. Nilunok ko ang kinain ko at ngumiti. "Ako si Anastasia, kinagag