Anastasia POV... Natutulog ako dito sa kwarto ko nang biglang may bumukas ng malakas ng pintuan ko na kinagulat ko. "Anastasia! Pinag alala mo ko. Saan ka ba galing." Sabi nito sabay yakap saakin. Eh sino pa edi si Prince Charming. "Ha? Kasama ko lang si Cleo." Biglang umitim ang aura niya. Mukhang kawawa si Cleo nito ha. "That Bastard." "Hoy, wag mong awayin yun. Tinulungan niya lang ako." Sabi ko sa kanya. "Sana ako nalang tinawag mo." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Busy ka kaya di ka pwedeng storbuhin at kausap niyo ang prinsipe ng Elemental." Sabi ko. Natahimik naman siya. "Basta sa susunod sabihan mo ko kung saan ka pupunta. Understand?!" "Depende sa sitwasyon." At bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Okey, fine!" Sabi ko. At niyakap niya ako "Dahil di mo ko kasam