MAY inihatid kay Estelle ang planning department para kay Kurt kaya nagmadali siyang tumayo. Babalikan iyon sa kanya mamaya. Kailangan niyang maibigay na ngayon. Akmang kakatok si Estelle sa pintuan nang maulalingan ang boses na nag-uusap sa loob ng silid ni Kurt. Wala namang iba kung hindi ang dalawa. Si Kurt at Amelia. “Gusto kong isama sa New York si Evyn, Kurt. Magagandang school ang naghihintay sa kanya roon. Pwede ka namang dumalaw sa kanya. You’re a busy man. Wala ka na ngang time sa kanya minsan.” Hindi maiwasang maningkit ng mata ni Estelle. Ngayon nga lang ulit niya nakita si Evyn, tapos ilalayo agad ng mga ito sa kanya? Kailangang makuha na niya ang anak bago pa mailayo ng mga ito sa kanya. “No. Walang aalis,” mariing tutol ni Kurt kay Amelia mayamaya. Alam ni Estelle na s