“DADDY, wala pa ba si Mommy? Sabi mo po isasama natin siya sa bahay.” Nag-angat si Kurt nang tingin kay Evyn nang marinig ito. Minsan talaga nagugulat siya si Kurt kung limang taong gulang ba ang kaharap niya o ten years old. Buong-buo magsalita, naiintindihan ang mga nangyayari. Kahit lahat ng mga sasabihin niya. At isa pa, magaling umarte. Lalo na sa harap ng ina nito. “Come here, Asher,” nakangiting sabi ni Kurt. Tinampal pa niya ang kandungan kaya nagmadaling iginiya nito ang sarili doon. “Mommy Amie will leave soon.” Bahagyang nalungkot ito sa sinabi. “I can’t go with her. I want my real mommy, daddy. I want mommy Estelle. Can you persuade her to go with us today?” Nakangiting pinagmasdan lang ni Kurt ang anak. Kung gaano nito kagusto ang ina nito sa tabi, ganoon din siya. God! Sa