MABILIS ang ginawang pagtalikod ni Estelle. Sunod-sunod ang paglunok niya dahil hindi niya ini-expect na iba ang makikita sa likuran nito. Pero napahilot siya mayamaya dahil hindi niya alam kung paano makaalis doon na hindi ito makikita— ang kahubdan nito ang ibig niyang sabihin. “Pwede bang magdamit ka muna, sir?” Pilit na pinapakaswal niya ang boses. Pero sa huli, nailabas pa rin niya ang inis. “Hindi ka nakakatuwa,” dugtong niya. Mabuti na lang pala at hindi siya sa harapan nito nakatingin kanina kung hindi sa mukha. Distracted siya sa walang damit nito sa taas, kaya mas lalo kung wala rin sa baba. Pero may isang tinig sa isipan niya ang nagpataas ng balahibo niya. “No! Hindi niya na-miss si Kurt. At hindi niya na-miss ang mga ginagawa nila noon!” sigaw niya sa isipan. Nanlaki ang