“K-KURT,” anas niya. May inilagay si Winston sa tabi ni Danrev na upuan. At naupo nga roon si Kurt na naka-cross legs. “Care to share his secrets?” Paulit-ulit na nilalaro ni Kurt ang daliri sa may mesa habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang siya sa mga titig nito kaya ibinaling niya ang tingin kay Danrev. “I’m sorry. Mali ka nang pagkakarinig.” Lumapit siya kay Danrev at ginising ito. “Dan, gising. Ihahatid mo pa ako, remember?” Hindi niya pinansin si Kurt. Nakatunghay lang ito sa kanila. Tinaas lang ni Dan ang kamay nito na parang sinasabing wait. Marami nang nainom si Danrev pero kilala pa niya ang boses na nagsalita kanina. Napangiti siya. Hindi pa rin niya nakakalimutang natalo siya ng kaibigan sa laro. Sinadya talaga ni Danrev nadalhin si Estelle sa Tagaytay par