Kinabukasan ay nagising si Lorraine sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha, tagos iyon sa bintana na may manipis na kurtina. Napainat siya hanggang sa maalalang hindi sila bumalik sa kanilang hide out, mabilis na sinuri ang kinaroroonan at doon ay napagtantong nasa silid siya ng isa sa pinsan ni Philipp. Nagmamadali siyang nag-imis, paglabas ng banyo ay hinanap agad ang dress na hinubad niya ngunit hindi 'yon makita, bagkus at nakita niya ang nakatuping damit na nasa ibabaw ng dresser table. Nag-aalangan siya kung gagamitin niya 'yon, akmang dadamputin sana niya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Philipp. Napakipkip siya sa tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan sa gulat bagay na napansin ni Philipp. "Sorry kung nagulat kita, sisilipin ko sana kung gising kana upang sabihi