Ramdam ni Lorraine ang mainit na katawang yumayakap sa kanya, agad niyang iminulat ang mga mata at napagtantong pangko pala siya si Philipp. Nang mapansing titingin ito sa kanyang mukha ay agad siyang pumikit, hindi kasi alam kung papaano ito pakikiharpaan matapos halos magwala kanina. Kahit naman medyo tinamaan siya ay alam pa rin niya ang lahat ng kanyang pinaggagagawa kanina. Narinig niya ang pagbukas nito ng pinto at sapantaha niya ay nasa silid na sila. Sa isiping silang dalawa lang roon ay bumilis ang sasal ng dibdib. 'Relax lang, Lorraine,' hamig ng isipan sa sarili. Maingat siyang ibinaba nito at naramdaman ang pagsalo ng malambot na kama ang kanyang likuran. Ilang sandali siyang nakiramdam kung aalis na ang lalaki sa silid pero wala siyang naramdaman pagkilos. Tila gustong ibu