Walang nagawa pa si Philipp kundi ang isama si Lorraine dahil sa pagpupumilit nito. Inimpormahan na lamang ang mga kasamahan na huwag siyang tatawaging sir ng mga ito, kailangan niya ang tulong ng mga kasamahan sa ahensya upang malaman kung saan itinatago ni Mr. Paredes ang kanyang mga magulang. May isang paraan pa siyang naiisip upang malaman ang kinaroroonan ng mga magulang pero ayaw niyang gawin. Ayaw niyang mas lalong mamuhi sa kanya si Mikaella, kung gagamitin ito upang pasukuin ang ama nito. 'Huwag mo lang akong hayaang mawalan ng choices, Mr. Paredes,' aniya sa isipan dahil kapag nagkataon ay baka masabi sa anak nito ang involvement nito sa malaking sindikato. Habang hinihintay niya si Lorraine na nagpalit ng damit ay biglang tumawag si Menardo sa kanya, marahil ay nasabi ng kasa