Naging maayos naman ang lahat lahit nakakailang para kay Lorraine ang palagiang hirit ng mama ni Philipp hinggil sa kagustuhan nitong magkaapo. Mabuti na lamang mukhang kailangan na nilanh umalis kaya bahagyang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. "Bueno, hindi na kami magtatagal at mukhang nandiyan na ang sundo namin," turan ng ama ni Philipp nang makarinig sila ng pagbusina buhat sa labas ng bahay ni Philipp. "O, anak, mag-iingat kayo at palagi kang tumawag sa amin ng papa mo para naman malaman namin ang kalagayan mo rito," habilin pa ng mama ni Philipp dito. "Oo, mama, mag-enjoy kayo roon, huwag niyo akong masyadong isipin," turan naman niya sa ina. "Hay naku," anito kasabay ng malalim na buntong-hininga. "Paanong hindi iisipin ay lagi akong nag-aalala sa 'yo," bulalas ng ina. "M