Pagkauwi sa kanyang bahay si Philipp ay nagulat pa siya nang makita ang sasakyan ng kanyang mga magulang na nakaparada sa labas ng kanyang bahay. Mabilis siyang pumasok at nasumpungan ang ama na nakaupo sa sala. Nang mapansin ang pagpasok niya ay agad itong napatingin sa kanya at napangiti. "Mabuti naman at maaga kang umuwi?" agad nitong saad sa kanya. Naisip niyang baka dumaan ang mga ito upang magpaalam sa kanya, alam niyang ngayon ang flight ng mga ito papuntang Amerika. "Dito muna kami magdi-dinner bago pumunta sa airport, gusto kang surpresahin ng mama mo kaya hindi ka na niya tinawagan," hirit pa ng ama. Maya-maya ay lumabas mula sa kusina ang ina, awtomatiko itong napangiti nang makita siya. "O, nandito na pala ang unico hijo ko, mabuti naman at maaga kang umuwi. Magbihis ka