May pagtataka sa mukha ni Anita nang halatang hindi siya napansin ni Mr. Snowman, bakas pa sa mukha nito na tila seryoso ito. Mabilis na kumatok sa opisina ni Zayn. "Come in," baritonong tinig nito. Agad na binuksan ang pinto at pumasok. "Mukhang seryoso ang pinag-usapan niyo ni Mr. Snowman," anito. "Concern ka ba sa kanya?" balik-turan ni Zayn sa sekretarya. "Hindi naman, nakita ko lang siya galing dito," mabilis namang turan ni Anita sabay abot sa kanya ang ilang papeles na hawak nito. "Heto ang mga papeles na ibinigay ni Mr. Morales, pag-aralan mo raw baka gusto mo ng proposal niya," turan ni Anita. "Okay, salamat," aniya upang makalabas na ito ng kanyang opisina ngunit ilang sandali na ang lumipat ay naroroon pa rin ito at nakatayo. "Yes, may kailangan ka pa ba?" untag niya sa se