Chapter 97:

2222 Words

Pagdating nila sa bahay ng kanyang tiyahin ay nasa bungad na ito at nag-aabang sa kanilang pagdating. Matamis ang ngiti nitong bumati sa kanila, lalong-lalo na kay Lorraine. "Kumusta ka, hija, mabuti naman at dumaan kayo rito," magiliw nitong turan kay Lorraine. Tumingin ito sa kanya na tila humihingi ng saklolo, ngunit ngumiti lamang siya rito. "Opo, dapat nga po ay kahapon pero malakas ang ulan," nahihiyang sagot naman ni Lorraine dito. "Ganoon ba? O, siya, pasok kayo para naman ay matikman ninyo ang ginawa ni Arman—" putol ng tiyahin nang muntik na itong madulas. "Naku, masarap ang cookies na ginawa niya," dugtong nito na hindi na lamang nagpahalata pa. "Sina Sheryl at Sherly, tita?" usisa sa mga pinsan. "Nagtungo ng Manila ang magkapatid dahil may bibilhin daw, ewan ko sa mga 'yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD