Padilim na nang makabalik sina Lorraine at Philipp sa kanilang hideout, mabuti na lamang at naisipan na nilang kumain bago tuluyang umuwi dahil mukhang tulog na ang kanilang mga kasamahan. Mabilis na sinipat ni Philipp ang relong pambisig, na-curious siya kung bakit masyadong maaga naman yatang nagsitulugan ang mga ito kaysa sa regular na routine nila. "Bakit, may nangyayari bang hindi maganda?" agad na usisa ni Lorraine nang makita ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Ganoon na ganoon din kasi ang nakitang hitsura nito kanina noong may panganib na pala sa kanilang paligid. Muli nitong sinipat ng relong pambisig dahilan upang mapansing tila mamahalin ang relong suot nito. Sa bagay, mayaman ito kaya afford nitong magsuot noon. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang hawakan siya ni Philipp dahi