Tanghali na nang magising si Lorraine, agad siyang napabangon sa kanyang kinahihigaan at nag-imis upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa labas. Mabilis ang kanyang naging galaw, bagay na natutunan niya mula nang tanggapin niya ang buhay sa piling ng mga ito. Suot ang isang maong pants at simpleng tshirt ay agad siyang lumabas. Nagulat pa siya nang bumungad sa kanya ang magkawangis na mukha nina Jessy at Jessa. Agad pa siyang napasunod sa pag-aakalang susugod ang mga ito sa kanya. "Mabuti naman at nakaayos ka na, handa na ang pagkain mo," turan ni Jessa. Napangiti siya sa mga ito. "Himala wala kayong pa-alerto moves diyan?" diga sa mga ito na kinatawa naman ni Jessy. "Alam naming pagod at puyat ka, hayaan mo sa susunod," hirit nito. "May training tayo mamayang hapon bilang paghaha