Hindi na napigilan pa ni Philipp ang sarili at tuluyang nalupig ng init ng katawan ang kanyang kaisipan. Kita pa niyang tila nagising si Lorraine at bakas sa maamo nitong mukha ang pagtutol sana ngunit inunahan na niya ito. Hindi na niya kayang pigilan pa ang nag-aapoy niyang damdamin. Hindi natugon si Lorraine nang tuluyan nitong idilat ang kanyang mga mata, ngunit hindi iyon naging balakid kay Philipp, mas lalo niyang pinagbuti ang paghalik kay Lorraine hanggang sa kalaunan ay naramdaman na rin niya ang pagtugon nito. Ramdam na ramdam na ni Lorraine ang kahandaan ni Philipp, hindi niya lubos maisip na maibibigay ang sarili rito pero parang sinasabi ng isip na hayaan na lamang ang sarili at namnamin ang ligayang hatid ng bawat halik at haplos nito. "Lorraine," dinig niyang usal nito ma