Napasipat si Philipp sa relong pambisig pagkatapos niyang kumain. Masyado pang maaga ang alas nueve upang bumalik siya sa silid na tutuluyan nila ni Lorraine. Gusto niya kapag bumalik siya roon ay tulog na ito para deretso tulog na rin siya. Naisipan niya tuloy lumipat sa bar at um-order ng konting alak, pampatulog lamang niya, gusto niya ay pagdating sa silid ay makakatulog na agad siya. Hindi sa iniiwasan niya si Lorraine kundi natatakot siya sa maaaring mangyari kapag hindi napigilan ang sarili. Unang baso pa lamang ng whisky na binigay ng bartender ay gumuguhit na sa kanyang lalamunan. Matagal-tagal na rin nang huli siyang uminom, matapos itaob ang baso ay muling sumenyas sa waiting ng ikalawang baso. Agad naman siyang binigyan nito. Hindi maiwasang sumagi sa isipan si Mikaella, h