Hindi namalayan ni Lorraine na nakaidlip na pala siya habang nakahiga sa sofa sa sala, tinatamad kasi siyang magtungo sa silid tutal ay mag-isa lang naman siya roon. Nag-bake kasi siya ng cookies na ginaya niya sa cook book na naroroon. Hindi man ganoon kaperpekto ang kinalabasan pero masaya siya dahil natututo siya. Malalim na ang kanyang pagtulog nang maramdaman niya na tila may palad na humaplos sa kanyang mukha. Gustuhin mang idilat ang mga mata pero mabigat na mabigat ang mga talukap nito, natalo ang kagustuhan niyang imulat ang mga 'yon. Pinakiramdaman ang sarili, mukhang dinadaya lamang siya ng pandama dahil matapos ng ilang segundo ay wala na siyang naramdamang anumang kakaiba. Muling kinalma ang sarili at hinayaang matulog ang buong diwa ngunit naramdaman niya ang presensiya sa