Galit na galit si Black Scorpion nang malaman sa isang kasamahan na hindi matutuloy ang paglilipat ng kampo ni Black Princess ang mga kargamemto sa Manila. "Puny*ta! Bakit daw?" bulalas na tanong sa lalaking nasa harapan. "Sa pagkakadinig ko kay Salvacion ay hindi matutuloy ang paglilipat nila hangga't hindi naibabalik sa kanila si Menardo," saad ni Peralta. "Mabuti naman at hindi na pa nila nahuhuli?" bulalas na tanong nito. Tumawa si Peralta. "Alam mo namang malinis trumabaho 'to," mayabang nitong saad kay Black Scorpion. Napansin niyang tumiim ang tingin ni Black Scorpion dito. "Basta tama ang bayad," hirit pa ni Peralta. Ngumisi naman si Black Scorpion sa huling sinabi ng lalaking nasa harapan, malaki talaga ang nagagawa ng pera, kahit pa ang isang disenteng tao ay nagiging masa