Mabilis na lumulan si Black Scorpion sa sasakyan niyang naghihintay sa labas ng building, mabuti na lamang at nananatili siyang low profile at wala pang ganoong nakakakilala sa kanya. Pagkaupo sa kanyang sasakyan ay muling tumawag ang kanyang tauhan na nakasubaybay sa anak. Agad niya 'yong sinagot, baka kasi may nangyari nang hindi maganda sa anak. "Hello?" "Hello, boss, mukhang aalis po yata sila rito sa restaurant," bulalas ng kausap. "Susundan ko po ba sila?" tanong nitong nagpataas ang kanyang dugo. "Of course, hindi ba't sinabi ko sa 'yo na sundan mo sila kahit saan sila magpunta?" pasarkastikong gagad niya sa rito. "Okay po, bossing," anito saka nagpaalam. "Bobo! Inutusan nga kita para sundan sjya tapos tatanungin mo ako kung susundan mo sila?" bulalas niya rito, kung nasa ha