Maang nakatingin si Lorraine kay Philipp nang sunod nitong banggitin ang pangalan ng dati nitong kasintahan, tila mas lalong ibinukas ang tainga upang mas marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Ngunit tila naman hindi makapagsalita si Philipp at tila nakikinig lang sa kausap nito hanggang sa tuluyan nitong ibaba ang cell phone. Kitang napatingin ito sa kanya, gustuhin man sanang tanungin kung ano ang sinabi ng ex-girlfriend nito pero hindi na niya nagawa pa at mabilis na nagyuko, baka kasi isipin nito na interesado siya. "Tumawag lang siya upang sabihing pinapalaya na niya ako," hindi namalayang nanulas sa labi ni Philipp. Natigilan si Lorraine nang marinig ang sinabing 'yon ni Philipp, napalunok siya dahil mukhang nabasa nito ang nasa isipan. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay ma