Napiling isuot ni Lorraine ang isang cotton short at plain white tshirt matapos niyang maligo, nakaramdam kasi siya ng pagkalam ng sikmura at naalalang hindi nga pala sila kumain ni Philipp maliban sa ice cream. Matapos ayusin ang buhok ay ipinasya niyang lumabas ng silid tutal ay wala naman siyang makitang dryer upang tuyuin ang buhok. Nagtungo siya sa kusina nang makitang papasok din roon si Philipp na may dalang paper bag. "Gutom ka ba? Nag-order na lamang ako ng makakain natin kasi walang laman ang fridge, hindi ko naabisuhan si manang na mag-grocery," ani Philipp tukoy sa kasambahay ng ina na nagpupunta roon upang maglinis. Hindi pa man nakakasagot si Lorraine nang tuluyan itong makalapit sa kanya at inilapag sa counter ang paper bag na bitbit at nilabas mula roon ang in-order na