Nabalot ng kaba at pangamba sina Philipp, Lorraine, Dexter at Chelsea, mabuti na lamang at hindi masyadong nahalata ng bata ang insidente kung hindi ay panibagong trauma na naman iyon sa kanya. "Mommy, ano po 'yong malakas na putok?" usisa nito. "Ah, 'yon ba? Uhmmm—" naguguluhang paliwanag ni Chelsea sa anak saka bumaling kay Dexter upang humingi ng saklolo. "May malaking bolo na pumutok, anak," sabad ni Dexter. "Ganoon po ba? Kaya po pala ang lakas," inosente namang turan ng bata at nagpatuloy sa paglalaro nito. Nagtinginan silang apat habang hinihintay ang pagdating ng pulis na tinawag ni Chelsea upang siyasatin ang pamamaril sa kanila. Nakuwento kanina ni Philipp kay Dexter na isa siyang NBI agent kaya naisip na nito na maaaring ito ang punterya ng namaril sa kanya. "Mukhang may