Matapos mag-ayos gamit ang make-up kit na inihanda ni Moreno sa kanya. Kinailangan niya kasing takpan ang mga sugat at pasa sa mukha pang hindi siya mahalata ng mga ito. Nang mapatos ay mabilis na siyang tumalilis palabas ng silid na kinaroroonan, bawat hakbang ay tiyak dahil baka oras na magkamali siya ay muli siyang mabihag ng mga ito. Maraming tauhan ni Black Scorpion sa paligid, mukhang sibilisado ang lahat dahil pormal kung manamit ang mga ito. Ingat na ingat siyang maglakad nang may tumawag sa kanyang likuran. "Pare," baritonong tinig. Awtomatikong napatigil si Menardo at nagtatalo ang isipan kung lilingunin ito o hindi. "Bakit, pare," aniya rito na bahagyang lumingon. "Alam mo naman sigurong bawal ang pumasok sa silid na 'yan," turan nito. "Ganoon ba?" maang niyang turan, nasi