Ramdam na ramdam ni Menardo ang pananahimik ni Black Scorpion sa kabilang linya sa kanyang sinabi. Batid niya nagpipigil lang ito ng inis o galit kaya ito tahimik. "Gusto mo bang malaman kung ayos lang ang mga tauhan mo?" himok pa niya rito upang mas lalong inisin. "Matapang ka lang dahil—" turan nito na kinatawa ni Menardo. "Talagang matapang ako, Black Scorpion, maswerte nga lang at wala ka rito, baka marahil ay ito na ang pangatlo nating pagtatagpo," aniya sa kausap. Muli itonv natahimik na tila nag-isip hanggang sa ilang saglit lang ay napabulalas ito. "Guevarra!" anito na kinatawa niya. "Well, mukhang hindi mo pa nga ako nakakalimutan," palatak ni Menardo. "Of course, paano ko naman makakalimutan ang tinik sa lalamunan ko maliban kay Larazzabal," bulalas nito. Tumawa ulit si M