Latag ang dilim buong paligid, gamit ang teleskopyo ay sinilip nina Philipp at Lorraine ang dalawang barkong papasalubong sa isa't isa sa gitna ng karagatan. Naka-standby ang buong team nila sa anumang pagsalakay, ganoon rin ang nasa tatlong daungang malapit sa tagpuan ng mga ito. Lumapit sa kanila si Menardo at Salvacion habang suot ang full diving gear ng mga ito. Sila kasi ang makakasama nina Peralta, Nunez, Dumagat at Adriatico na sisisid patungo sa dalawang malalaking barko habang ang grupo naman nina Ka Tunying at Ka Rommy ay gagamit ng mga bangkang de motor na sasalubong sa mga bangkang gagamitin ng mga tauhan nina Black Scorpion. "Mukhang handang-handa na kayo, ah," puna ni Philipp sa mga ito. "Well, kailangan nating magtagumpay, nakasalalay rito ang tiwala ni Black Oregon para