Pagkalabas ni Mikaella sa opisina ng kanyang daddy ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa kaibigang si Cheska. Mabilis niya 'yong sinagot dahil tiyak na excited ang mga itong malaman kung papayagan ba siya ng ama lalo at sinabing treat niya ang mga ito kaya umungot siya ng ama na dagdagan nito ang allowance, medyo sagad na kasi ang savings niya sa kanyang pagmomodelo noon gawa ng masyado siyang maluho noong panahong nagluluksa ang puso sa pag-iiwan sa kanya ni Philipp. "Ano na girl, pumayag ba ang daddy mo?" mabilis nitong usisa. "Yes," excited rin naman niyang turan na halos mapatili. "O-M-G! Ire-ready ko na ang mga bikinis ko nito," saad ng kaibigan sa kanya. "Oh, wait!" pahabol nitong wika bago niya maibaba ang tawag nito. "How about 'yong hunk and handsome guy, invite mo na ba?