Pagpasok nina Dexter at Philipp ay naabutan nilang nakahandusay sa sahig si Chelsea habang may tali sa leeg nito, marahil ay sinubukan nitong magbigti ngunit hindi ito nagtagumpay. "Mommy," iyak ng paslit ang tila gumising sa na-shock na hitsura nina Dexter at Philipp. "Mommy, wake up," gising ng bata sa ina na tila walang kamuwang-muwang. Mabilis na dumulog si Dexter sa asawa habang naramdaman naman ni Philipp ang presensiya ni Lorraine sa kanyang likuran. Kita niyang naiiyak ito sa nasaksihang eksena. "Mommy," patuloy na pagtawag ng bata sa ina nito. "Chelsea," yugyog ni Dexter sa asawa matapos pulsuhan ito. Nahinga at may pulso pa naman, marahil masyado lang nanghina ang katawan nito kaya tuluyang nakatulog. Ilang sandali naman ay tila magigising na si Chelsea may tali pa rin sa l