The night goes colder as what as I expected. Ang ilaw sa club ay naging mas kaakit-akit at ang musika naman ay mas lalong lumalakas. Nagkaroon na ng iba't-ibang pagkakaabalahan ang mga Montemayor kaya naiwan kami ni Lucas sa table. Nagkakamabutihan na sina Andra at Enzo kaya nasa dance floor na silang lahat maliban sa'min.
I am sittint silently in his side. Gugustuhin ko mang mag-open ng topic just to break this boredom pero hindi ko magawa. Mas nanaig pa rin ang ilang at hindi komportableng pakiramdam sa gitna namin.
Alright, he's so unapproachable. Sa mga lalaking nakilala ko ay siya ang pinakamahirap pakitunguhan. Hindi ko ko alam kung bakit. Siguro hindi ko pa siya kilala o sadyang ganoon lang talaga siya.
Everytime I look at his eyes, I feel so uncomfortable. Nanginginig ang buong katawan ko tuwing magkalapit ang aming katawan.
Siguro ganito rin yata ang nararamdaman ng mga babaeng humahanga sa lalaking ito.
Hindi ko alam kung pagsisihan ko ba ang pagsama nina Lucas dito o magpapasalamat dahil kahit papaano ay naranasan ko kung ano ang pakiramdam kapag nasa club ka. I didn't found it boring pero sadyang hindi lang talaga ako komportableng katabi si Lucas sa iisang upuan. Sobrang lapit pa namin.
I can move a bit to have distance with him pero ewan ko kung pati katawan ko'y parang nag- comatose, hindi makagalaw.
"Kung nabobored ka, you can dance," tipid na wika ko. Kahit malakas ang tunog ng musika ay alam ko namang saktong maririnig niya iyon.
Hindi porke't kasama niya ako ay mananatili lang siya sa tabi ko buong magdamag dito sa bar. I know his real motives when it comes to clubbing. Siguro kung wala ako ay tiyak na kanina pa siya sumasayaw sa gitna ng dance floor at nakihalubilo sa mga babaeng nandito.
I just don't want him to have responsibility with me. Hindi porke't sinama niya ako dito ay hindi na siya pwedeng magsaya.
Ibinaba niya ang baso na ngayon ay wala nang laman. Pansin ko kasing kanina pa siya nakatingin sa dance floor habang umiinom ng beer. Mukhang atat na ata nang sumayaw.
Halata naman sa mukha niya.
"No, I'm fine," tipid na sagot niya.
Pakiramdam ko tuloy ay mas bumagal ang takbo ng oras. I always feel like this everytime I got bored. Hindi ko alam kung iyon din ba ang nararamdaman ni Lucas ngayon. Now he already know how boring akong kasama.
Siguro pagkatapos nito ay lalayo na siya sa'kin. Siguro pagkatapos nito ay hindi na niya ako papansinin.
I know what girls he likes. He likes jam and fun girls. At tulad ng palagi kong sinasabi, hindi ako ganoong babae.
Nailipat kaagad ang atensyon ko nang mapansin ang grupo ng kalalakihan na paparating sa kinauupuan ko ngayon. I look at Lucas pero parang hindi niya ito napansin. Panay lang kasi ang tingin niya sa dance floor habang matamang iniinom ang isang boteng beer.
I swallowed so hard. Tiningnan ko ang grupo ng kalalakihan na ngayon ay paparating sa'kin at halatang ako ang sadya ng mga ito.
"Hi miss," bati pa ng isang lalaking medyo pamilyar sa'kin ang mukha. "Ari hindi ba?" inabot niya ang kamay niya sa'kin. Muli ay tiningnan ko si Lucas pero hindi pa rin nakuha ang atensyon niya sa'kin.
Damn this man! Kung hindi kapa talaga titingin ay sasama na talaga ako sa mga ito!
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung hindi ako nagkakamali ay school mate ko siya. May mga subjects din na nagkakasama kami sa iisang classroom pero hindi kami nagkakakila nang personal.
"Yes. You're from College of Technology right?" ngiti kong sambit. Kaagad ko ring tinanggap ang kamay niya bilang pagbati.
He just smiled. "Yes, MJ nga pala." wika nito.
Hindi ko inakalang may nakakilala rin pala sa'kin dito. Tatlo silang nasa harapan ko pero pakiramdam ko ay support lang niya iyong dalawa. Nasa likuran lang kasi at mataman nila kaming pinagmasdan.
Ramdam ko ang hiya sa mukha niya kaya ngumiti na lamang ako. May kung anong nagpapabagabag sa utak niya na alam kong gusto niya itong sabihin.
Well boys are always like this. Nahihiya sila sa simula lalo na't may hihingiing pabor. But this shame will fade after getting their wants. Nasa babae lang iyon kung magpapadala sa mga diskarte ng mga lalaking ito.
Muli ay sinulyapan ko si Lucas pero laking gulat ko nang wala na ito sa kinauupuan niya kanina. I am wondering where did he go. Siguro nainip kaya nakikisayaw na rin sa dance floor. Bahala nga siya. Kanina pa lang ay alam ko namang atat na atat na siya doon, eh. Nakikita ko iyon sa mukha niya pero parang pinigilan lang niya iyon dahil nandito ako at ngayong dumating si MJ, umaalis na siya. Lumitaw rin ang totoong kulay.
Sana sinabi niya sa'kin kanina na "you can find another man to date now" edi sana kanina ko pa iyon ginawa. I don't want him to force himself to be with me kahit alam ko namang hindi siya naging masaya na kasama ako.
Hayaan mo na, Ari. A playboy always find fun and interesting girl. Hindi itong nakaupo lang sa table. A playboy is always a playboy. Malamang nanghuhunting na iyon ng mga babae dito sa club.
"Wanna dance?" yaya pa sa'kin ni MJ.
Napatingin ako sa dance floor. Ni isang beses ay hindi ko pa naranasang sumayaw sa gitna ng maraming tao kasama ang isang lalaki kaya nag-aalinlangan akong pumayag. Nag-aalab rin ang musika sa dance floor kaya hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan.
I hate noisy places even before. Pero sa ilang oras kong pananatili dito sa club ay nasanay rin naman ako. Though it's still noisy pero para sa mga taong nandito, it's fun and interesting.
Kung hindi lang dahil kay Andra ay tiyak na natutulog na ako ngayon sa bahay.
"Alright, just five minutes. Please?" ngiting wika nito.
I accept his offer. Tianggap ko ang malamig na kamay na kanina pa niya inaabot sa harapan ko.
Mukha namang mabait si MJ kaya sumama na ako. The loud music welcomed me as we enter the dance floor. Nilibot ko ang buong dance floor sa pagbabakasakaling makikita ko si Lucas pero wala ito dito.
Damn it, Ari! Stop looking him. Malamang ay kasama na niya ang bagong ka date niya ngayon sa kung saang sulok ng club na ito.
Maybe much worser. Siguro'y nakipaghalikan na 'yon. He don't care about about you so stop thinking about him.
Sumabay sa tunog ng music ang galaw namin ni MJ. May mga lalaking napapansin kong binabangga ako pero hindi ko na lang pinapansin. Siguro ganito talaga sa club.
Kung sensitive ka na babae ay tiyak na maninibago ka dito sa club. Especially in the dance floor. Maraning lalaking sadyang malilikot kung sumayaw.
Nagulat ako nang hinawakan ni MJ ang balakang ko. Hindi love song ang naka-play kaya nagulat ako sa ginawa niya. His face looks so serious. Nakatitig lang ito sa'kin kaya medyo nailang ako.
"Kasama mo ba si Lucas? Iyong katabi mo kanina?" hindi na ako nagulat sa tanong niya. He look at me seriously. Naninibago ako sa tingin niyang ito.
Bukod sa kilala si Lucas ng mga estudyante sa CNU ay halata namang nakikita niya iyon. Nagtataka siguro kung bakit hindi kami nagkikibuan kanina. Well, oo, magkasama kami pero we don't care each other though.
"Uhmmm yes. Pero marami kami, sumasayaw lang iyong iba kaya kaming dalawa lang ang naiwan doon," kalmado kong sagot.
His looks became more menacing kaya mas nailang ako. Nakikita ko lang siya sa school at ni isang beses ay hindi ko pa siya nakakausap noon kaya medyo nag-aadjust pa rin ako lalo na ngayong siya ang kasayaw ko.
Nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Well, the people here in dance floor always do this especially when they have something to say. Medyo malakas ang musika sa dance floor kumpara doon sa table kaya hindi mo maririnig kung hindi sa malapitan.
"Pinsan mo si Andra hindi ba?" tanong niya. I am now raising my eyebrows. Hindi ko alam kung ano talaga ang nais niya gayong interesado siya sa'kin.
"Yes," I said attentively. Umiwas ako sa mapanuyong tingin niya.
"Halata naman."
Ngumiti na lamang ako bilang sagot.
Nakuha kaagad ang atensyon ko sa kay MJ nang mapansin ang tingin niyang nakatuon na ngayon sa likuran ko. Suddenly, I feel a hand on my wrist at saka ako hinila palayo sa dance floor.
I want to stop this mankind from grabbing me out fron this dancefloor pero hindi ko magawa. Pinilit kong lumaban pero sobrang lakas ng pagkakahila sa'kin. I don't know who's this person kaya sinubukan kong humingi ng tulong pero masyadong maingay ang dance floor upang mapansin ako.
Nasa labas na kami ng club nang mapansin ang matipunong katawan ni Lucas. Hinahawakan niya pa rin ang palapulsuhan ko pero sa puntong ito, pinapasandal na niya ako sa isang wall sa gilid ng club. I don't know what he's doing but his eyes looks so serious and dangerous. Like a predator who's looking at his prey. Mapanganib ang tingin niya.
I don't know why.
"Lu-lucas?" I said hesitantly.
I saw the anger in his eyes. Naamoy ko ang alak sa tuwing humihinga siya at ang mga mata nito'y seryosong nakatingin sa'kin na animo'y anumang oras ay kakainin na niya ako. Ramdam ko ang lamig ng hangin at ang perfume niya. Kinukulong niya ang katawan ko gamit ang dalawa niyang kamay. Nakapako ito sa wall habang nakadungaw sa'kin at mataman akong tiningnan.
Anong problema nito?
Damn, Lucas, ano itong ginagawa mo?
"You got bored so you accept his offer to dance, right?" he said in a cold baritone voice.
Pinilit kong umiling at sa ganoon ay maiwasan ko ang mga titig niya pero muli niyang ibinalik ang paningin ko sa kanya gamit ang hinlalaki niya. Now, it's so clear.
His eyes are now screaming for anger. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. His jaw clenched. Pakiramdam ko ay mas kumapal pa ang mga kilay niya sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya.
We're just dealing something so I don't know wha happened to me. Ang akala ko ba'y naging masaya siya pag-alis doon sa tabi ko kanina? I thought he's already having fun with different girls in the club?
"Lucas, lasing ka na ata," I said calmly. Pinilit kong maitago ang takot sa mga mata ko. I am calmly looking at his eyes even though I am now trembly facing him. Tremble from his looks and aggressive gestures.
Amoy ko ang alak sa hininga niya kaya alam kong bunga lang ng alak ang ginagawa niya ngayon. Tiningnan ko ang paligid pero wala namang masyadong tao bukod sa mga lalaking nag-iinuman sa gilid na silang nakatingin sa'min.
Dammit Lucas! You're just drunk!
"Ni hindi mo man lang ako sinayaw?" he uttered. Bumabalot sa mga boses niyang iyon ang matinding selos na hindi ko naman maintindihan.
Wow ha! At ako pa talaga itong magyayaya sa kanyang sumayaw? Ano siya? Sinusuwerte? Kung inaakala niyang katulad ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya na kulang nalang ay maghubad sa harapan niya mapansin lang well, ibahin niya ako.
I don't know why he needs to be jealous gayong hindi niya dapat naramdaman 'yon. It's impossible though. Kung tama man ang iniisip ko, maybe he just drunk. Siguro lasing lang siya at hindi alam ang ginagawa.
Baka bukas ay pagsisisihan niya ang ginawa niyang ito. I am not the prefect girl that suits him. Hindi ako sikat at kagandahan kumpara kay Janice na girlfriend niya. Ex-girlfriend niya.
Pumikit ako upang maiwasan siyang sagutin. He's in alcohol kaya wala siya sa pag-iisip. Gugustuhin ko mang hilahin siya papasok pero hindi ko kaya at isa pa, matindi ang pagkakakulong ko dito sa mga bisig niya. He's strong enough na alam kong magagawa niya lahat kung nanaisin man niya.
"You even allow him to touch your waist. Hmmm?" utas pa nito. Pansin ko ang ngiti niya na alam kong pinipilit niya lang.
What the heck! Lucas. Big deal na ba 'yon?
"Lucas, please. Lasing ka na. Mabuti pang yayain na lang natin silang umuwi. Please," sinubukan kong kumawala sa pagkakakulong niya pero masyado siyang malakas. He even move his face more closer to me which the usual thing that every drunk guy does.
Ilang beses akong umiling para iwasan ang presensya ng mukha niya. I can even clearly smell his breathe na siyang binabalot pa ng alcohol.
Mas nilapit pa niya ang katawan niya sa akin. Kinabahan na ako. I want to scream and ask for help pero hindi ko magawa. Damn you Lucas, you're drunk!
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko kaya naalerto kaagad ako. His eyes are now burning. Mas umigting pa ang panga niya at ramdam ko na ang galit sa mukha niya. Parang pinipiga niya ako gamit ang matutulis niyang paningin.
Damn it. Anong gagawin ko?
I really want to escape from his stupidity. Gusto kong tumakbo at iwasan siya pero hindi ko magawa.
"Lucas, ano ba!" I almost scream pero mahina pa rin iyon. Naghaharumentado na siya at naging bayolente na rin.
Hindi ko maiwasang isipin ang maduduming bagay habang kaharap ko ang lalaking ito. Kahit ilang araw na kaming magkakilala pero hindi ko pa alam ang totoong pagkatao niya. I don't even know his background, his personality at ang totoong ugali niya. He's older than me kaya kung totoosin, isang katiting lang ako para sa kanya. He can even drag me easily and do whatever he want. Wala akong tamang lakas para umapila sa mga posible niyang gawin sa'kin.
Kaya ngayong kaharap ko siya, lasing, I feel so unsafe. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin gayong hindi ko pa naman siya kilala. I don't know how he treat his girls kaya sa ginawa niya ngayon, natatakot ako. He became violence. I don't know if he just like this when he's drunk. Hindi ko alam kung selos ba ito o sadyang ganito lang talaga siya kung lasing.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya mas naamoy ko ang nag-aagaw na pabango at amoy alak sa kanyang katawan. Yumuko ako upang maiwasan ang anumang bagay na umiikot sa utak ko. I closed my eyes nang mapansing nagrereveal ang dibdib niya. Damn it! Nakalimutan kong naka v-neck shirt pala siya.
"I don't know why I felt this, Ari," he whispered. Sa tono ng boses niya ay mas naging malamig pa ang gabi. That's so gold that makes the night more colder.
Itinaas niya ang paningin ko kaya ngayon, ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha. I want to scream for help but I don't know why I stayed quite like a hopeless one. Ni kunting galaw lang ay hindi ko magawa. Parang kinukulong sa kanyang mga bisig. I am like his prison, now.
"I want you," he whispered. Ramdam ko ang kakaibang tunog ng pagkakabulong niyang iyon.
I don't want to believe his last statement. Mas nanaig pa rin ang katatagang "lasing lang siya" at hindi alam ang ginagawa.
It is just the affect of alcohol he's drinking.
Sa hindi inaasahang pangyayari, hinalikan niya ako. Pinilit kong makawala sa halik na iyon pero kinokontrol niya ang buong mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. I can't even escape him.
His lips are now moving widely at my mouth. Hindi ako nakagalaw at piniproseso pa rin ang mga pangyayari.
Hindi ko na alam ang susunod na mga pangyayari. My system got shut at pakiramdam ko ay tumigil na pati ang oras. I want to push him sa abot ng aking makakaya pero hindi ko magawa. Nanatiling nakatayo ang katawan ko, walang magawa at walang anumang lakas ang maigawad upang kontrahin o upilahin man lang ang ginagawa niya.
Nanlumo ang buong katawan ko habang nilalaro niya ang mga labi ko. I can't feel anything but the warm kisses in my lips. Amoy ko ang alak pero hindi ko na iyon napansin sa bilis ng pangyayari.
All I can feel is his warm violent kisses.
He tried to pull me closer to him kaya doon na ako naalerto. I pushed him away. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon pero nagpatianod naman siya. Sa wakas ay nakawala rin ako sa mga bisig niya. We're now one meter aways each other at sapat na iyon para tumakbo ako kung iyon ay kakayanin ko.
Sa kabil ng pangyayari, I can't even move my two feet.
"So-sorry."
Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang mga likido mula sa mga mata ko. Basta ang alam ko lang ay nabigla ako sa ginawa niya, natakot na may halong nginig. He's like a dangerous beast. Sa ginawa niyang iyon ay parang pinapakilala na rin niya ang totoong pagkatao niya.
He kissed me without my permission, sino ba ang hindi matatakot doon?
"A-ari, hindi ko sinasadya," he tried to wipe the dripping liquids in my cheeks pero umiling ako.
I got it Lucas. You didn't mean it pero hindi mo man sinadya ay kailanman ay hindi mo na maiwala ang takot na nararamdaman ko nang ginawa mo 'yon.
Tumakbo ako palayo sa kanya. Tumakbo kaagad ako papasok sa club at saka hinanap ang table namin, as quickly as I can. Wala na akong ibang hangad sa ngayon kung hindi ang makawala sa presensya niya.
Hindi ko inakalang mararamdaman ko iyon. I didn't expect he can dare to do that. Alam kong lasing siya pero hindi ko in-expect na magiging ganoon siya.
He became dangerous and violence, up unexpectedly.
Nadatnan ko sina Andra at ang ibang Montemayor sa mesa. They all became surprised for my arival. Napawi ang ngiti ni Andra nang mapansin ako at napalitan iyon ng kunot noo. Siguro ay napansin nilang natataranta at kakaiba ang kilos ko. Which us so unusual for me.
"A-Ari? Where did you go? Asan si Lucas? Akala ko ba magkasama kayo?" bungad pa sa'kin ni Andra.
Kumalma kaagad ako. I know I already in a safer place. Nandito na sina Andra kaya malayo na ako kay Lucas.
I shouldn't feel like this. Pero sa ginawa ni Lucas kanina ay wala na akong ibang maramdaman kapag narinig ang pangalan niya kung hindi ang takot.
"Wa-wala. I just came from the dance floor," turo ko pa sa dance floor para talagang maniwala sila kahit halata namang galing ako sa labas ng club.
I hope they'll all believe me.
Inayos ko ang buhok ko at ang sarili na rin. Umupo ako sa tabi ni Andra na parang walang nangyari. Ilang minuto at dumating rin si Lucas. Nakatingin lang ito sa'kin pero pinilit kong huwag pansinin.
Alam kong nilalamon lang siya ng alak, alam kong lasing siya pero imposible namang hindi niya alam ang mga ginagawa niya.
I didn't expect him to do that to me. Iba ang Lucas na nakikita ko ngayon. He became dangerous and intimidating. Naging bayolente siya sa di ko alam na dahilan.
Sa ginagawa niya kanina, parang pinakilala na rin niya ang sarili niya sa'kin kung gaano siya kasakim at ka walang awa. It's feels like he's the most dangerous man I've ever met. Buong buhay ko'y sa kanya ko lang naranasan ang ganoong pangyayari.
That was my first kiss though. Hindi ko inakalang sa kanya ko pa iyon maramdaman.