"Ano ba talaga ang nagyari kagabi Ari? Does Lucas did something to you?" daldal pa ni Andra habang nagmamaneho. Ganito talaga siya, everytime she see something wrong with me ay palagi niya akong ginugulo at tinatanong hanggang sa mapaamin ako.
I am not used to share my personal feelings though kaya nahihirapan palagi si Andra na malaman ang mga nangyayari sa buhay ko.
Napalunok laway na lamang ako. Hindi ko alam pero parang mas mabuting sa akin na muna iyon. I don't want her to be bothered lalo na ngayong nagkakamabutihan na sila ni Enzo and I am happy for her. Ayaw ko muna silang istorbuhin.
Another side of my mind says na baka magbago nanaman ulit ang pakikitungo ni Andra kay Enzo kapag sinabi ko sa kanya ang ginawa ni Lucas kagabi. I don't want to be a reason for their misunderstanding though.
"Wala nga Andra. Ang kulit mo talaga," itinago ko ang iniisip ko at nilakasan na lamang ang pagkakasabi at sa ganoon ay maniwala siya.
Hindi siya titigil hanggang hindi ko siya makumbinsing wala talaga. I always give her loud voice and emotions everytime she keep bothering ane asking me things. Lalo na kapag gusto kong itago at ako lang ang dapat na makaalam.
"Siguraduhin mo lang ha. And, about Lucas, be careful with him, Sis," tiningnan pa niya ako saglit bago ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.
She's warning me, it's so clear. Well, tama nga naman siya. I don't know him at sa nakikita ko kay Lucas kagabi, he seems so dangerous and possessive. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan.
After that time, I don't know how will I face him. I don't know what to say. Shoud I be angry to him? O magkunwaring wala lang.
I know he's drunk, pero hindi ako naniniwalang hindi niya alam ang ginagawa niya kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako safe kapag kasama siya. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay hindi ko maiwasang isipin ang ginawa niya. I can't stop thanking his menacing looks at higit sa lahat, that f*****g kiss. Dapat ba akong matakot sa piling niya? O isipin na lang na baka nagawa lang niya iyon ay dahil lasing siya.
They always says that most of the people who are under the influence of alcohol are unconscious. Pero hindi ako naniniwala doon. Everything they have done are made of their thinking at hindi ako naniniwalang kusang umaandar ang utak nila. They must know what their brains are thinking and must be concious.
Siguro ay nagagawa lang nilang sabihin na "wala akong matandaan dahil lasing ako" iyon ay para matakasan ang kalokohang ginagawa nila while they're drunk. They're just hiding their wrongs and that is the truth.
Ilang minuto pa't nakarating rin kami sa paaralan. Kakababa ko pa lang sa sasakyan ni Andra ngunit pansin ko na kaagad ang mga lalaking nakatingin sa kotse ni Andra, well I got used to it.
Andra is famous and well-known girl student in CNU. Parang siya ang inaabangan ng mga kalalakihan sa ground. Everytime he'll go out from her car, halos mabali ang mga leeg ng mga lalaking nakatambay dito sa kakatingin sa pinsan ko. Nasanay na ako doon at halata namang si Andra lang ang interes ng mga mata nila at hindi ako kaya hindi ako kinakabahan pagkababa ng kotse.
Dumiretso na ako sa unang asignatura. Alam kong mahaba pa ang oras kaya pagdating ko sa classroom ay ginugol ko muna ang oras ko sa pag-aaral in advance sa lesson ko.
I don't want to study urgently though. Gusto ko na kapag sinabing may advance quizes or summative exams ay ready na ako at hindi iyong saka pa lang naghahalungkat ng mga notes at mag-aaral sa aktong oras. I always want to be prepared at sa ganoon ay confident akong sagutin ang mga tanong sa exam.
The class goes well as usual. Nang mag- alas diez naman ay magkasama kami ni Andra na pumuntang canteen. Isinantabi ko muna ang kung anuman ang bumabagabag sa isipan ko at nagpokus na lamang sa paglalakad papuntang canteen.
Maraming tao ang nasa ground nang dumaan kami doon. Even some boys are whistling with us- it's because of Andra of course. Hindi niya 'yon pinansin. Well, she's used to it.
The canteen filled with so many students as usual. Nagsisiksikan pa kami sa mahabang pila bago makakuha ng order namin. Naghahalo ang iba-t-ibang pabango sa canteen. Hindi tulad ng sa elementarya, college is different. Hindi ka kailanman makakaamoy ng pawis sa halip ay mababangong perfume at make-ups ang maaamoy ko kapag nasa maraming tao.
Bringing my snack ay nagtungo agad kami sa lamesang nagpapagulat sa'kin. Nandoon na sina Enzo at ang ibang Montemayor. Kasama na doon si Lucas. I tried to avoid them pero naunang umupo si Andra doon.
E, kung sinabi ko lang sana kay Andra ang nangyari sa'min ni Lucas kagabi ay sana magagawa ko siyang iwasan ngayon.
Tumingin ako sa kay Lucas. He's just sitting in the left corner quietly. Pansin ko rin ang paglunok laway niya at ang pag-iwas tingin na alam kong ako ang iniiwasan niya. Hmmm?
Naguiguilty ka na ha?
Umupo ako sa tabi ni Mark. Katabi ni Lucas ngayon si Kent kaya hindi na ako nakisiksik doon. I ate my snack quietly. Minsan nagkakatama ang mga paningin namin ni Lucas pero ako na mismo ang umiwas doon. I can't look at him straightly, mas namumuo lang lalo ang alaala kagabi.
He's still dangerous. Sa mga tingin ko sa kanya ay ang mga agresibong galaw niya kagabi ang tumatatak sa isipan ko. Siguro ay sobra akong na-trauma sa ginawa niya kagabi na pati ngayon ay nagugulat pa rin ako sa mga tingin niya.
"Uhmmm? Andra? May gagawin pa kasi akong assigment para sa next subject ko," turo ko pa sa exit door. Agad namang nakuha ni Andra ang ibig kong sabihin kaya tumango na lamang ito. Sinulyapan ko si Enzo pagkatapos ay aksidenteng dumapo ang tingin ko kay Lucas.
He's looking at me. Umiwas siya nang magkatama ang mga tingin namin. I just blink ang tried to be preoccupied the thought about him that keeps bothering my mind. Gusto ko lang naman siyang iwasan, that's it. I want to keep away from his presence. Gusto kong hindi kami magkatagpo nang landas.
But that seems so difficult. Lalo na at may relasyon sina Andra at Enzo.
Walang ka tao- tao ang buong hallway dahil lahat ay nasa canteen. Rinig ko pa ang tunog ng sapatos ko sa tuwing hahakbang ako. Lahat ng rooms na nadadaanan ko'y bakante at tanging tunog ng ceiling fan lang ang naririnig ko. May mga libro ding naiiiwan sa mga tables at iyong iba ay naiwang nakabukas ang projector. Il
It's already 10 o'clock in the morning at halatang gutom ang mga estudyante.
Sa ngayon, hindi ko pa ata kayang makita nang harapan si Lucas. Everytime I look at his eyes ay bumabalik ang kung anuman ang nangyari kagabi. I want to forget all of that pero hindi ko alam kung paano lalo na ngayong naging malapit na si Andra sa mga Montemayor.
We're too close with each other. Sa tuwing magkasama sina Enzo at Andra ay nandoon din si Lucas. I always tried to avoid him pero ang tadhana talaga ang naglalapit sa amin sa isa't-isa.
Liliko na sana ako sa kabilang hallway nang maramdaman ang biglaang paghawak ng kaliwang kamay ko. It scares me kaya kaagad rin akong naalerto. I tried to push that hand away from me pero huli na ako, it's already in my wrist and holding it tightly.
"Ari, wait," a cold baritone voice surprised me. Seryoso niya akong tiningnan sa mata kaya ako na mismo ang umiwas doon.
The image of him last night suddenly flashed at my mind. Gusto ko siyant takasan pero hindi keep magawa gayong mahigpit niya akong itinali sa mga kamay niya.
Anong ginagawa niya dito? Pinasyal ko ang buong paningin ko sa hallway at nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang walang estudyante ang narito. Ayaw ko na nang gulo at kapag may nakakita pa sa amin dito ay tiyak na panibago nanaman itong issue na siyang pinakaayaw kong mang-yari.
Ang nararamdaman ko kagabi ay bigla na namang nanumbalik. Parang natru-trauma na ata ako sa ginawa niya. The way he move, it reminds me last night. Damn it!
"Please Lucas, tantanan mo muna ako. Please lang," wika ko pa nang hindi ko siya tiningnan. I really really want to say this guy now that I want to avoid him but my mouth just didn't cooperate. Nanatili lang itong nakayukom.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o maging masaya. Maging masaya dahil walang tao ang hallway o matakot dahil nandito nanaman siya sa harapan ko, kaminy dalawa lang.
"Ari, let me explain about last night. Please, hindi ko kayang nagkakaganito tayo, eh. Please," wika pa niya. Naamoy ko nanaman ang nakakadileryo niyang pabango.
Pinilit kong alisin ang maduduming imahe na gumugulo sa isipan ko. Everytime I see his lips, ang halik niya kagabi ang naalala ko and I really really hate it. Gusto ko mang burahin iyon lahat sa utak ko pero hindi ko magawa.
How I wish to have an amanesia that quickly. Tssk!
Dahil mas mataas siya kaysa sa akin kaya tanging nasa dibdib lang niya nakatuon ang paningin ko. Pinilit kong umiwas at umiling upang maiwasang maamoy ang maiiinit niyang hininga pero siya mismo itong humaharang sa'kin. Siguro ay sinasadya niya ito at sa ganoon ay mapilitan ko siyang tingnan sa mata.
Asa ka!
"Lucas, I don't want to talk about it. Please umalis ka na at baka may makakakita pa sa'tin dito," I tried to push him away pero masyado siyang malakas.
I was about to walk away from him pero pinigilan niya ako. He dragged me to the corridor at doon, pinasandal niya ako. Damn it! The memories last night arouses!
"Wala akong pakealam Ari. Please. Patawarin mo na ako. I am drunk that time at isa pa, nilalamon na rin ako ng alak," pagpapaliwanag pa niya.
Sabi ko na nga ba, e! That reason was just invented to hide every wrong.
Gusto ko mang maniwala sa mga rason niya pero imposible naman 'yon.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang pagmasdan ang tanging dibdib niya na siyang laman ng mga paningin ko ngayon. Nakapako ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko kaya hindi ako makagalaw.
"About the kiss..." he said, it is almost a whisper.
Damn it! Ayaw ko itong pag-usapan for Pete's sake!
Nag-abang ako sa mga susunod pa niyang sasabihin pero nanatili siyang tahimik. Alam kong sa mga oras na ito, nakatitig lang siya sa'kin. Please, lupa, kainin mo na ako!
Itinaas niya ang mga paningin ko gamit ang hinlalaki niya. Ramdam ko ang tahimik ng buong hallway habang paunti-unting lumilitaw ang imahe niya sa paningin ko. Ang mga mata niyang maamo at ibang iba sa nakikita ko kagabi.
I know, he's sencere with what he had said earlier. Pero hindi sapat na rason na alak lang ang dahilan nang mga 'yon.
Mas okay sana kung sasabihin niya ang totoo. Na nagseselos siya. It's more acceptable than beeing drunk.
I can't feel any danger right now while seing him. Kakaibang Lucas ang nakikita ko ngayon sa aking harapan. I can feel his hand slowly caressing my chin. His eyes are looking at me intently na animo'y tutunawin na niya ako sa mga tingin niya. I tried to escape his looks pero hindi ko magawa gayong mahigpit na nakakapit ang kamay niya sa panga ko.
"I like you, Ari." he said gently.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Siguro ay pinoproseso pa ng sistema ko ang mga nangyayari. Ang namataan ko na lang ay ang unti-unti niyang paglapit sa aking mukha. Pakiramdam ko ay nahihilo na ako dahil sa mga tingin niya. The way his adam's apple move as he swallowed hard, it makes me distracted.
His breathe is suddenly filled in my nose. Naghahalo ang hininga niya at ang perfume niya. Ramdam ko ang pagtulak pa niya sa'kin lalo sa wall hanggang sa maramdaman ko ang mainit na halik niya sa aking labi.
I can't do anything but to close my eyes. Gusto ko siyang itulak pero nakapako ang katawan ko sa kanya. I am his control at hindi ko alam kung bakit pati sistema ko ay nakiki-isa na rin doon na parang na-kontrol na rin niya. I can feel his presence as he kiss me gently. Ramdam ko ang dahan dahang paggalaw ng kamay niya sa pisnge ko. I can feel his soft lips gently imparting in my lips. Mariin niya iyong iginawad doon.
My lips are now wetter than earlier. Binabalot na ito ng kanyang mga halik.
"I don't regret that Kiss, Ari," he said suffocatingly nang kumawala siya sa pagkakahalik.
Wala na akong nagawa pa kung hindi hayaan na lamang ang tadhana na isalba ako sa mga kamay ni Lucas. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa'kin na siyang nagpapahina pa sa'kin lalo. Pakiramdam ko ay unti-unti na akong natutunaw sa kinatatayuan ko. His lips are now wet at mas naging mapula pa ito. He bite it so many times and it makes me conscious. Ramdam na ramdam ko parin ang mga labi niya sa bibig ko na animo'y naiwan ito dito nang kumawala siya. Hindi ko alam kung bakit.
Damn you, Lucas! Anong ginagawa mo!?
I heard some footsteps near us kaya doon na ako naglakas loob na tumakbo. I ran quickly as I can hanggang sa madaanan ko ang powder room. Pumasok ako sa poweder room at humarap sa salamin. Nagmamadali at natataranta kong hinarap ang salamin.
Damn you Ari! Bakit hindi ka pumalag sa halik niya! ? You should pushed him away! You should slap him as fast as you can! Dapat pinigilan mo siya, Ari!
Dinampian ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k. Hinawakan ko ang labi ko at sa tuwing nakikita ko ito ay wala akong ibang maisip kung hindi ang mapupula niyang mga labi. I don't know how to escape this crazy illusions. Hindi ko alam kung paano ko ito matatakasan gayong paulit-ulit kaming ipinagtagpo ni Lucas sa isa't-isa. I can't even move when he's in front of me. Ni hindi ako makaapila sa mga ginagawa niya sa'kin. Pakiramdam ko ay nakokontrol niya ang sistema ko.
Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagiging possessive niya at agresibo o sadyang ayaw lang talagang gumalaw ang mga paa ko sa tuwing nasa harapan ko siya.
Kinuha ko ang panyo sa bag ko nang mapansin ang naglalakihang patak ng pawis sa noo ko. I put a light make up to hide the sweats and also the emotions as well.
Gusto ko lang namang takasan siya pero siya na mismo itong lumalapit sa'kin. Anong magagawa ko gayong ni pagtulak lang ay hindi ko magawa?
Nasanay na siyant kontrolin ang pangangatawan ko. Alam niya kung saan ako mahina and I hate myself to let him do that to me. Ayaw ko siyang masanay na lapit lang nang lapit sa'kin!
Dala ang kaba ay nagmamadali akong tumungo sa classroom na kung saan ang next subject ko. Wala ni isa ang nandito nang makarating ako kaya nagbabasa na lang ako ng notes habang pinapalipas ang oras.
Damn it! Pati ba naman sa pagbabasa ay mukha niya ang nakikita mo, Ari? Maybe it is because of the things he did to me. Wala itong ibang kahulugan hindi ba Ari? Wala.
Iilang minuto rin ang dumaan nang tag-iisang dumating ang iba ko pang kaklase. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa professor na nagtuturo sa harap.
Hindi ko maipagkakaila na ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip ko. Kahit anong pilit kong isintabi iyon pero kusa itong pumapasok sa utak ko. I can't even focus the lectures.
Gaya ng dati, dakong alas dos ng hapon natapos ang klase ko. Sa ground na ako naghihintay kay Andra. Nakikinig lang ako ng musika habang hinihintay ang oras.
Habang nakaupo sa bench ay bahagyang napansin ng mga mata ko ang papalapit na mga paa sa kinauupuan ko. These footsteps are quite many kaya nakuha kaagad ang atensyon ko.
Tinaggal ko ang headset sa tainga ko at saka dahan-dahang itinaas ang tingin sa papalapit na mga estudyante sa'kin.
"Well, tama ngang bumaba ang taste ni Lucas sa mga babae," nakataas ang kilay ni Janice habang masuyo akong tiningnan. Parang titirisin niya ako sa matitinik niyang tingin.
Lumipat ang tingin ko sa dalawang babaeng kasama niya ngayon. Pareho silang sikat dito sa paaralan sa pagkakaalam ko. And all of them are known.
Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan. They all look so angry while looking at me from head to toe, na animo'y pinag-aralan ang bawat hugis ng aking katawan at hahanapan ng anumang pwedeng pagkakadiskitaan.
"Hindi ko inakalang ito ang ipinagpalit sa'kin ni Lucas, girls. Look at her, malayong malayo sa pinsan niyang si Andra," nagkakatuwaan pa sila habang pinagmasdan ako.
I just look down and tried to pretend I didn't heard what they have just said earlier.
Dammit! Hindi ako sanay sa ganito.
I never been in trouble before. Kailan man ay hindi ko pa naranasang mapaaway o inaaway gayong hindi naman ako nakinihalubilo sa mga tao.
"Hi-hindi ko alam ang pinagsasabi mo," natataranta kong tugon. I am not used to it. Ni isang beses ay hindi ko naranasang makipag-away kaya hindi ko alam kung paano ito malalagpasan.
Kung nandito lang sana si Andra.
"Wow, hindi ka lang pala asumera, sinungaling ka pa. How unlucky Lucas is. Hindi ko inakalang magkakaintiris siya sa isang katulad mo," she said with a raising eyebrows.
Sa pinagsasasabi niya ngayon, nag-iba kaagad ang tingin ko kay Janice. When I first saw her, I thought she's friendly.
Siguro nga walang girlfriend na magagalit lalo na't makita ang sinasabing babae ng boyfriend niya.
And for pete's sake! Hindi ako babae ni Lucas at kailanman ay hindi niya ako magiging babae!
"Talagang wala akong alam sa pinagsasabi mo, Janice." I said with hesitation.
"Well, tingnan lang natin. Magsasawa rin yang si Lucas at babalik at babalik din sa'kin. Mark it, poor girl," wika pa ni Janice at saka ito naglakad palayo sa'kin.
Nakatuon ang atensyon ko sa kanila hanggang sa makawala sila sa paningin ko. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Magsasawa?
Nakuha ang atensyon ko kay Andra na papalapit sa'kin ngayon. Nakakunot ang noo. Inayos ko kaagad ang sarili ko bago paman niya ako mamataan. I hide all my hesitation at ipinakitang okay lang ako sa harapan niya.
"Anong ginagawa ni Janice dito?" kunot noo nitong sambit. Tiningnan pa niya ito sa malayo.
"Wa-wala Andra. Napadaan lang." palusot ko pa.
"Tara?"
Pati sa kotse ni Andra ay lutang ako. Nakatuon lang ang atensyon ko sa labas habang bumabagabag ang iba't-ibang bagay sa isipan ko.
"Uhmmm, Andra, si Lucas ba at Janice, matagal na ba silang may relasyon?"
I just can't believe that they're just a year. Sa nakikita ko kay Janice, hindi sapat ang isang taon lang. Maybe more than that.
Hindi ako naniniwala kay Lucas na isang taon pa lang sila.
Napatingin sa'kin si Andra gamit ang rear view mirror ng sasakyan. Ramdam ko ang pagkakalito sa mga mata niya na animo'y may pagtatakas sa isipan niya.
"Uhum, magtatatlong taon na rin. Ewan ko jan kay Lucas, iba't-ibang babae ang inaatupag pero babalik at babalik din kay Janice. Sa pagkakaalam ko, they're into break up pero alam kong babalik din ang lokong 'yon kay Janice," wika nito habang nasa kalsada ang atensyon. "Wait, bakit mo naitanong?" she asked attentively.
Umiling ako't itinuon ang atensyon sa labas at sinubukang baguhin ang topic. "Wa-wala. Curious lang ako dahil sila kasi ang bukang-bibig ng mga estudyante sa campus."
Ang impormasyon galing kay Andra ay ang nagpapagulat sa'kin. Ang alam kong sinabi sa'kin ni Lucas ay one year lang na sila ni Janice.
Ano ba talaga ang balak mo Lucas?
He's completely and freakin' playboy! Hindi talaga siya dapat na pagkakatiwalaan.
He might play with me as well. At tulad ng sinasabi ni Andra, magsasawa at magsasawa din 'yon.
Hindi ka dapat nagpapadala sa mokong na 'yon Ari.
Pumikit ako at pinilit na huwag isipin ang kahibangang nasa isipan ko. I know that I shouldn't think this thing. Hindi ko dapat pinoproblema ang mga bagay na ito gayong alam kong wala naman akong karapatan na isipin iyon.
I want to stop this crazy illusions. Alam kong wala itong patutunguhan dahil walang rason para isipin ko ito. I shouln't waste my time from thinking those crazy things.
Dapat ay tanging nasa isipan ko lang ay "nagpapanggap lang naman kami". Dahil iyon naman talaga ang totoo.
Na nagpapanggap lang kami and I want to stop this deal as soon as possible.