Ilang beses akong napasapo sa aking noo lalo na sa tuwing nararamdaman ko ang pagsusuka. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito titila o hanggang kailan ako mananatiling ganito. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko ngunit alam kong wala na si Lucas sa kabilang linya gayong ilang minuto ko na rin iyong naibaba. I don't know what's the problem he's talking about. Hindi ko alam kung ano ang problema na tinutukoy niya gayong nararamdaman ko ang pagkakataranta sa boses ni Lucas. I want to call him back pero nang i-dial kong muli ang numero niya ay out of coverage na ito. Ilang saglit pa bago tumili ang pagduduwal na nararamdaman ako. Kaagad rin akong umalis sa sink saka bumaba. Siguro alam nina Mommy ang problemang tinutukoy ni Lucas. Siguro may kinalaman iyon sa plano niya. Siguro may

