Chapter 39 Jazmine's POV Kakatapos ko lang magdasal. Pinagpag ko ang aking paldang suot na nalagyan ng kaunting alikabok. Muli kong sinulyapan ang mga puntod nila. Tumingala ako sa langit. Sana masaya na kayo. Pinunasan ko ang aking luha at tumayo na. Alam kong nasa langit na sila. Naayos ko na ang lahat. Naayos na namin. Naging maayos ang mga nangyare sa amin sa lumang bahay nina mama. Ang mga kaluluwa nila ay aming naiayos. Ag ngayon, kahit wala silang katawan ay naglagay parin kami ng mga lapida nila sa sementeryo. Ang bilis ng panahon, parang keilan lang ay gulo-gulo pa kami. Pero tignan mo naman ngayon? Masaya na kami. Si papa, ayun. Inaalagan ang apo nya. Yes, apo. At yun ay si Hershey, ang anak namin ni Hansel. Akala ko hindi ko sya magugustuhan pero mali pala ako, h