Chapter 40 "Mommy! Punta na tayong mall, please?" Pangungulit sa akin ni Hershey. Nakahiga kami ngayon sa kama habang magkatabi. Tanghali pa lang at talagang kanina pa nya ako pinipilit na mag mall kami. Pero ewan ko ba, parang nawawalan ako ng gana. Si Hansel naman ay nasa company namin, di ako pumasok ngayon kasi nga parang nanlalata ako. I don't know why. I sighed. Baka magalit pa sa akin ang baby ko. "Okay baby, just wait ha? Maliligo lang si mommy." I said to her and kissed her chicks. "Yehey! Mag ma-mall kami! Woo!" Narinig ko pang sigaw nya bago ako magpunta ng c.r para maligo. Si daddy ay wala rin ngayon sa bahay. Nasa cemetery ata, kung saan nakalibing sila mama. Hayy. Hanggang ngayon talaga nagpapasalamat pa ako dahil wala ng nangugulo sakin. After all this years, mas