“ILANG-BESES akong huminga ng malalim bago lumabas ng kotse. Limang minuto na siguro akong nasa parking are ng restaurant kung saan kami magkikita ni Kuya Darius. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami. “Bahala na.” Kinuha ko ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga regalo ko sa kanya sa mga nagdaang pasko at birthday niya. Kahit hindi ko sila nakikita. Sinisigurado ko naman na may regalo ako para sa kanila. Dahil hindi ko kayang ibigay sa kanila ng kaharap sila ay tinago ko na lang ito para kapag dumating ang araw na magkaayos na kami ay masasabi ko sa kanila na hindi ko sila kinalimutan. Dumating nga ang araw na iyon. Sa wakas mabibigay ko na ang regalo ko kay Kuya Darius ng harapan. Noong unang pasko na wala ako sa bahay namin ay pinadala ko ang mga regalo ko sa