“Dina!” tawag ni Deo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Race nang makita ko si Deo. Lumapit sa akin si Deo. “Dina, bakit ngayon ka lang dumating?” “Hindi ako pinauwi agad ng mga kaibigan ko.” Tumingin siya kay Race. “Magkasama kayo?” “H-hindi sinundo lang niya ako kanina.” Hinawakan ni Deo ang kamay ko. “I miss you,” sinadya pa niyang iparinig kay Race ang sinabi niya. Tipid akong ngumiti. “Deo…” Nagulat ako nang buksan ni Race ang pinto ng condo ko. “Pumasok ka na maglalaba ka pa,” bakas sa mukha niya ang galit. Hindi ko alam kung paano titingin kay Deo. “Siguradong mag-iisip siya ng masama sa amin dalawa ni Race.” "Bakit ba niya binuksan ang pinto?" Tumingin si Race. "Alam ko ang pincode ng condo niya." “P-pumasok ka muna.” Tumango siya Deo at sumunod sa akin para pumasok sa lo